Home NATIONWIDE Flood victims sa Davao City inayudahan ni Duterte

Flood victims sa Davao City inayudahan ni Duterte

MANILA, Philippines – Nasa 5,000 pamilya na apektado ng trough ng low-pressure area ang nakatanggap ng tulong mula kay Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Namahagi ang team ni Duterte ng food packs na naglalaman ng limang kilo ng bigas, canned goods, isang water container, at iba pang essentials sa flood victims sa Barangays 19-B, 2-A, 1-A, 10-A, at 9-A.

Inasistihan din ng mambabatas ang mga residente ng Barangays 8-A, 5-A, Matina Crossing (Gravahan), at Maa.

Nasa 17,322 pamilya mula sa mga nabanggit na barangay ang inaasahang makatatanggap ng kaparehong tulong mula kay Duterte sa pamamagitan ng PPP program.

Ani Duterte, namahagi na sila ng tulong sa mga barangay mula pa noong Miyerkules, Pebrero 7.

Maliban sa Davao City, ipinag-utos din niya ang distribusyon ng 8,000 packs ng bigas sa iba’t ibang munisipalidad partikular na sa Carmen, Busaon, Tuganay, Santo Tomas, at Panabo City, sa Davao del Norte, para sa mga pamilyang apektado ng baha at landslide.

“Our Pulong Pulong ni Pulong (PPP) relief operations continue within Davao City and neighboring provinces to ensure we reach the families affected and provide immediate aid,” aniya.

Sa ulat ng Office of the Civil Defense-11, ang Davao Del Norte, partikular ang Carmen, ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng indibidwal na apektado ng kalamidad na may 34,000, Davao Oriental sa 23,000, Davao de Oro sa 12,000 at Davao City na may mahigit 8,000. RNT/JGC

Previous articleJapan bumili ng delivery truck para sa mga magsasaka sa Ilocos
Next articlePBBM nagpaabot ng panalangin sa mabilis na paggaling ni King Charles III sa kanser