MANILA, Philippines – PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine.
“The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who otherwise couldn’t be reached,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
Isa ang Malaysia sa Southeast Asian countries na nag-deploy ng kanilang air assets para makapagbigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.
Ang iba pang bansa ay ang Indonesia, Singapore, at Brunei.
“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN have responded with support in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“This kind of solidarity is what strengthens our region,” aniya pa rin.
Base naman sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mayroong mahigit sa dalawang milyong pamilya ang apektado ng bagyong Kristine at kamakailan na Bagyong Leon sa 17 rehiyon at 82 lalawigan. Kris Jose