MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes, Nobyembre 4, na magpapatupad ito ng bagong programa sa Nobyembre para maibsan ang learning losses sa mga estudyante na apektado ng mga bagyo at iba pang kalamidad.
Ayon sa DepEd, ang Dynamic Learning Program (DLP) initiative ay nakadisenyo para tugunan ang mga pagkaantala sa klase dahil sa mga kalamidad “by promoting independent, resource-efficient learning.”
Dahil dito, ang mga apektadong paaralan ay may flexibility na magsagawa ng make-up classes at gamitin ang DLP learning activity sheets sa temporary learning spaces.
Ang mga activity sheets na ito ay nakadisenyo na “simple, targeted, and adaptable,” said the agency.
Magsisimula ang pilot implementation ng programa sa Nobyembre sa disaster-affected schools sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region.
“We’re bringing resilience to the heart of learning so that no student’s education has to pause when challenges arise,” saad sa pahayag ni Education Secretary Sonny Angara.
Sinabi ng DepEd na ang implementasyon ng DLP ay nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng proactive learning continuity measure sa panahon ng kalamidad at emergency situations.
Kabilang sa programa ang parallel classes, activity-based engagement, student portfolios, at reduced homework policy.
Hinihimok nito ang mga mag-aaral na mas maintindihan ang mga aralin at makabuo ng essential skills katulad ng pagsusulat, problem-solving, at critical thinking. RNT/JGC