Home NATIONWIDE PBBM nagpasalamat sa mga ina para sa kanilang sakripisyo ngayong Mother’s Day

PBBM nagpasalamat sa mga ina para sa kanilang sakripisyo ngayong Mother’s Day

MANILA, Philippines- Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga ina sa gitna ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Pinasalamatan ng Pangulo ang mga ina sa kanilang pagmamahal at sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang collage kasama ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos; asawang si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos, at kapatid na si Irene Marcos, na nasa gitna.

Sinabi ng Pangulo na ”mothers are the quiet strength behind every family.”

”They care, nurture, guide and give of themselves without asking for anything in return. Their love knows no bounds—and neither does their sacrifice,” ang winika pa ni Pangulong Marcos.

”Ngayong Mother’s Day, taos-puso kong kinikilala at pinasasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal at pagkalinga,” ang sinabi ng Pangulo.

Hindi naman kasama sa nasabing collage ang kanyang nakatatandang kapatid na si Senator Imee Marcos. Kris Jose