MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang ang napaulat na nagpatawag ng spiritual at planning session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang nakaraang Sabado, Mayo 3, 2025.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, na maganda na nagkakaroon din ng mga pagsasama-sama sina Pangulong Marcos at mga miyembro ng gabinete nito.
“Opo, nag-patawag po noong Sabado at of course nabigyan sila ng spiritual guidelines para sa kanilang pagta-trabaho, hindi lang para pang—bilang isang public servant kung ‘di para bilang isang indibidwal,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Castro na hindi makakalimutan ni (DepEd) Secretary Sonny Angara, ang sinabi ng Pangulo na, ‘Walang tulong o pabor ang masyadong maliit para sa publiko at para sa isang kalihim ng departamento, God is in the details’.
Kaya maganda aniya na nangyari ang spiritual at planning session dahil unang-una ay ‘very light moment’ ang nangyayari at may pagga-gabay na spiritual.
Samantala, Fr. Tito Caluag ang spiritual personality na nag-conduct ng spiritual guidance sa mga ito.
Wala namang detalye si Castro ukol sa kung gaano katagal ang nangyaring spiritual session. Kris Jose