Home HOME BANNER STORY PBBM nakiisa sa pagdiriwang ng Bonifacio Day

PBBM nakiisa sa pagdiriwang ng Bonifacio Day

MANILA, Philippines- Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika- 161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 30.

“Today, we honor the life and heroism of the Supremo of the Katipunan and Hero of the Masses who organized and inspired his fellow Filipinos to rise against tyranny and break the chains of oppression,” ayon sa naging mensahe ng Pangulo.

Nagmula sa hamak na simula, hindi aniya ito naging balakid para maisakatuparan ni Gat Andres Bonifacio ang kanyang mga pangarap at layunin para sa bansa.

“With his courage, he lit the flames of the Philippine Revolution, which finally united our land and emboldened many to lay down their lives willingly for the cause of our motherland against the colonizers,” ang sinabi pa ng Pangulo.

Sa pagdiriwang aniya ng okasyong ito, nanawagan ang Pangulo sa lahat na alalahanin ang pamana ng sakripisyo na ipinakita ni Gat Andres Bonifacio at ng mga ninuno.

“We owe them a debt of gratitude for awakening our national consciousness, upholding our sense of identity, and rousing our spirit of self-determination,” ayon sa Chief Executive.

Bagama’t matagal nang wala si Gat Andres Bonifacio, nagpapatuloy naman ang kanyang laban. Ang kanyang katapangan at deteminasyon ay patuloy na nagiging inspirasyon ng lahat na magsikap para sa kadakilaan at pagbahagi ng gawain at tungkulin para sa pagbuo ng bansa.

“Let us honor his memory by finding a deeper meaning in his sacrifice and doing our part in liberating our country from the shackles of hunger, coruption criminality, and other ills of society,” ang winika ng Pangulo.

“With patriotism, discipline, and love for one another as our guide, let us build a better Bagong Pilipinas where every Filipino lives in genuine peace, progress and harmony,” aniya pa rin. Kris Jose