Home NATIONWIDE PBBM nakipagpulong sa Bicol RDC, dev’t challenges at initiatives tinalakay

PBBM nakipagpulong sa Bicol RDC, dev’t challenges at initiatives tinalakay

MANILA, Philippines – NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes sa mga miyembro ng Bicol Regional Development Council (RDC) para pag-usapan ang ‘regional development accomplishments, challenges, at ongoing initiatives.’

Sinabi ng National Economic and Development Authority in Bicol (NEDA-5) na ang miting kasama ang Pangulo at Digital Transformation Center sa bayan ng Pili town, ang Camarines Sur province ay dinaluhan ng mga provincial leaders, mga alkalde, national at regional government officials, at mg kinatawan mula sa pribadong sektor.

Sumentro ang talakayan sa mahalagang progreso sa iba’t ibang sektor, nakatuon sa mahalagang infrastructure projects na naglalayon na palakasin ang economic at social growth sa rehiyon.

Ibinahagi naman ni NEDA Undersecretary Joseph Capuno ang updates sa nagpapatuloy na proyekto at aksyon na ginagawa para tugunan ang mahahalagang usapin.

Habang ang ‘presentation of accomplishments’ ay nakahihikayat, ang pulong ay tugon din sa ilang nagpapatuloy na hamon.

Kabilang sa mga top priority ay ang infrastructure issues, partikular na sa mga panahon na tumatagal ang tubig-baha, mahinang inter- and intra-regional connectivity, at napinsalang mga highway gaya ng Andaya at Daang Maharlika.

Binrief din ang Pangulo hinggil sa mga hamon, kung saan sumentro ang usapin sa kung paano ang national at local government ay maaaring magtulungan para malutas ang mga ito.

Ginamit naman ni Camarines Norte Governor Ricarte Padilla, Bicol RDC chairperson, ang pagkakataon na ibahagi ang ‘specific issues’ na kinahaharap ng kanilang lalawigan at humingi ng ‘presidential support’ at aksyon.

PInag-usapan ang mga alalahanin na may kinalaman mula sa ‘inadequate infrastructure at limitadong edukasyon at healthcare facilities, bukod sa iba pa.

Binigyang diin ng Chief Executive ang kahalagan ng paglikha ng bagong masterplan para pagaanin ang panganib sa pagbaha at palakasin ang katatagan ng mga lokal na komunidad.

“The most critical issue in your region is the flooding in the Bicol River Basin. We really have to find a solution, through the upgraded Master Plan of the Bicol River Basin. We have to make more adjustments. We have to do it differently,” ang sinabi pa ng Pangulo.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan na paghusayin ang healthcare services sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa umiiral na healthcare policies.

“Enhancing healthcare access and quality would be essential in responding to the needs of the Bicolanos, particularly in light of ongoing public health challenges,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng ‘strong partnership’ sa pagitan ng local government units at national agencies na epektibong tugunan ang regional challenges.

Ang maagap na paninindigan ng Pangulo, inihalimbawa ang kamakailan na pagpapalabas ng Executive Order No. 82, s. 2025, naglalayon na bigyang kapangyarihan ang RDCs na gumawa ng malakasang papel sa paghubog ng kanilang development agenda.

Samantala, nagpahayag naman ang Bicol RDC members ng kanilang pagpapahalaga at pagkalugod para sa suporta ng Pangulo, binigyang diin na ang mga pagsisikap na ito ay mauuwi sa mas ‘sustainable at inclusive growth’ sa iba’t ibang rehiyon. Kris Jose