MANILA, Philippines- Dumating na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Wattay International Airport para sa four-day 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic of Republic.
Dumating ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa airport ng alas-3:16 ng hapon, local time.
Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to Lao PDR, Deena Joy Amatong, kasama ang ibang opisyal mula sa Philippine Embassy sa Vientiane.
Kasama rin sa sumalubong kay Pangulong Marcos at sa delegasyon nito sina Lao PDR Minister of Mining and Energy Phoxay Xayasone at ang kanyang asawa na si Phonethida Sayida kasama sina Ministry of Foreign Affairs Director-General for Consular Department Soulisack Soulinthone at Protocol Department Deputy Director-General Outtama Sithiphong.
Diretso mula sa airport, kaagad na makapupulong ni Pangulong Marcos ang Filipino community sa Lao PDR kung saan ay inaasahan na muli nitong pagtitibayin ang commitment na tiyakin ang kanilang kapakanan at mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Kris Jose