Manila, Philippines- Hindi lang pang-pares overload, pampulitika na rin!
‘Yan ang sinasabi ngayon ng mga netizens.
Desidido si Deo Balbuena o higit na kilala bilang Diwata na pumasok sa mundo ng pulitika.
True to his promise, tatangkain ng pamosong social media personality cum pares carinderia owner na mapabilang sa hanay ng mga pulitiko na papalarin sa kanilang pagtakbo sa 2025 midterm elections.
Si Diwata ang fourth nominee ng Vendors Partylist.
Layunin daw ng kanyang grupo na tulungan ang mga vendor sa bansa.
Ito’y sa aspeto ng paghahanap ng puwestong malulugaran sa abot-kayang presyo.
Nag-file na nga si Diwata ng kanyang COC sa Comelec.
Nang tanungin kung willing ba siyang ipatikim nang libre ang kanyang pares overload pag nakakuha ng congressional seat, ani Diwata: “Why not? May unli rice pa at libreng softdrinks!”
Wala namang binanggit si Diwata kung ano ang kanyang ginagawang paghahanda, halimbawa na lang kung may plano ba siyang kumuha ng crash course on public governance kung may libreng oras din lang siya.
Ang tiyak daw, ihahabilin muna niya ang kanyang food business habang nakatutok sa kanyang pagtakbo.
Bukod sa original branch ng paresan ni Diwata malapit sa Senate bldg ay meron din itong branch sa Quezon City, kung saan may buffet.
Isang malaking good luck na lang sa ‘yo, Diwata! Ronnie Carrasco III