Home HOME BANNER STORY PBBM nasa Prague na para sa Czech Republic state visit

PBBM nasa Prague na para sa Czech Republic state visit

MANILA, Philippines – MATAPOS ang tatlong araw ng produktibo at matagumpay na working visit sa Germany, dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vaclav Havel International Airport , Miyerkules ng hapon (local time) para sa four-day state visit nito sa Czech Republic.

Dumating ang eroplanong may lulan kina Pangulong Marcos at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa airport ng 5:43 pm local time (12:43 am Manila time) kasama ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas.

Sa Prague, inaasahan na makapupulong ni Pangulong Marcos si Czech Republic President Petr Pavel at tatlong iba pang constitutional heads ng gobyerno kabilang na si Prime Minister Petr Fiala, at mga pinuno ng Czech Parliament, Senate President Miloš Vystrčil at Speaker ng Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Inaasahan din na lalagdaan ng Pangulo ang isang Joint Communiqué hinggil sa pagtatatag ng labor consultation mechanisms na naglalayong itaas ang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic para sa ligtas at maayos na migrasyon ng mga manggagawang Filipino at bigyan ng mas mataas na antas ng proteksyon ang kanilang karapatan at kapakanan.

Samantala, nakatakda namang gunitain ng Pilipinas at Czech Republic ang kanilang ika-50 ugnayan bilateral na itinatag noong Oktubre 5, 1973. Kris Jose

Previous articleDrayber ng sasakyan na sinalubong ng motor sa Skyway, pinalaya na
Next articleEx-PRRD lumahok sa prayer rally bilang suporta kay Quiboloy