Home NATIONWIDE PBBM, pinasinayaan panunumpa ng mga bagong promote ng PCG

PBBM, pinasinayaan panunumpa ng mga bagong promote ng PCG

1
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng 21 bagong-promote na opisyal ng Philippine Coast Guard.

Sa 21 nanumpa, isa ang nanumpa bilang Vice Admiral, dalawa bilang Rear Admiral, at 18 bilang Commodore.

Sa naging mensahe ng Pangulo, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga taga-Philippine Coast Guard, lalo na sa panahon ng kalamidad, at ang pagiging laging kasa-kasama sa mga search and rescue operations.

Sinabi ng Chief Executive na hindi alintana ng mga taga-PCG ang kanilang sinusuong na panganib sa ngalan ng kanilang tungkulin.

Mensahe ng Pangulo sa newly promoted PCG officials: manguna sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa at manguna nang may tapang at integridad.

Sa kabilang dako, nagpasalamat din ang Pangulo sa kanilang mga pamilya dahil sa sakripisyo at pang-unawa sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin sa bayan. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here