Home NATIONWIDE PBBM: Quick Response Fund ubos na!

PBBM: Quick Response Fund ubos na!

MANILA, Philippines – NALIMAS ang Quick Response Fund dahil sa tropical cyclones na tumama sa bansa.

”Ang QRF natin ang katotohanan diyan dahil sa dami ng bagyo ay naubos na. Kaya’t ang ginawa natin ay nagtabi ulit tayo ng pondo para mabigyan ulit, malagyan na naman natin ng laman ang QRF natin para sa mga local governments at sa inyong mga pangangailangan,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati Legazpi City, Albay.

Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024, ang gobyerno ay mayroong available na pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) at Quick Response Fund (QRF) para makapagbigay sa iba’t ibang disaster relief operations.

Sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), ang QRF ay pinaglaanan ng P7.925 billion. Sa nasabing halaga, P1 billion ang inilaan para sa Department of Agriculture – Office of the Secretary.

Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ang karagdagang pondo na maaaring gamitin ng Department of Finance ay ang unprogrammed funds, $500 million standby credit line, Rapid Response Option (RRO) facility, ilang contingent emergency response components mula sa World Bank, at post-disaster standby financing mula sa Japan.

“These additional funds will be immediately withdrawn and released once the national government decides to access them,” ayon kay Recto.

Samantala, nilinaw naman ng Department of Budget and Management (DBM) na ang tinutukoy ni Pangulong Marcos ay ang QRF replenishment.

”Under the 2024 GAA, the existing NDRRMF balance can still be used to replenish agency QRF (when agency QRF reaches 50%) to fund the immediate needs of disaster-stricken localities,” ang sinabi ng DBM.

”But with the limited NDRRMF balance, the DBM is looking to tap other sources of funds to support the continued relief and rehabilitation of vulnerable areas,”anito pa rin.

Tinuran pa ng departamento na ang ibang pondo na maaaring gamitin upang dagdagan at punan ang QRFs ay ang Contingent Fund, at available funds mula sa regular budget ng iba’t ibang departamento. Kris Jose