Home NATIONWIDE Pinakamababang calamity loan interest alok ng Pag-IBIG

Pinakamababang calamity loan interest alok ng Pag-IBIG

MANILA, Philippines – NAG-AALOK ang Pag-IBIG Fund ng calamity loan assistance ng may pinakamababang calamity loan interest na 5.95% sa mga miyembro na nakatira at nagtra-trabaho sa typhoon-hit areas.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund Public Relations and Information Services Group vice president Karin-Lei Garcia na ang mga miyembro na may dalawang taon at aktibong contributor para sa nakalipas na anim na buwan ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang savings.

“Proud po kami na ang Pag-IBIG Fund ay ang may pinakamababang interes para sa calamity loan at 5.95 percent per annum po iyan ‘no so per year, that’s good for one year,” ang sinabi ni Garcia sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon.

Maaaring ipalabas ang calamity loan proceeds sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw na ‘business days’ basta lamang na kompleto at updated ang mga record ng borrower. Ang proceeds ay ililipat sa Pag-IBIG Fund cash card.

Winika ni Garcia na ang mga miyembro na hindi naman apektado ng kalamidad ay maaari rin namang maka-avail ng multi-purpose loan. Ang loanable amount ay hanggang 80% ng savings ng miyembro.

Ang Calamity loan at multi-purpose loan applicant ay kailangan na magpakita ng isang government ID at proof of income, at kailangan na ma-accomplish ang application form.

“As to how long, they can pay, may option po sila,” ayon kay Garcia.

“They can pay within full year or within three years. So, kapag three years po o 36 months, mas magaan po ang amortization sa bulsa,” aniya pa rin. Kris Jose