MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang newly appointed na si Department of Transportation Secretary Vivencio ”Vince” Dizon na gawing madali ang buhay ng mga mananakay.
”Welcome aboard, Secretary Vince Dizon! We’re set to enhance physical connectivity and make life easier for the commuting public. Let’s get it done!” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.
Nauna rito, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang oath of office ni Dizon, na pinalitan si dating DOTr chief Jaime Bautista.
Si Dizon nagsilbi noon bilang Pangulo ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasagsagan ng pandemiya, nagsilbi si Dizon bilang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Samantala, ipinag-utos ni Dizon sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng cashless toll collection sa lahat ng expressways, epektibo Marso 15, sabay sabing ang episyente ng automated toll collection ay dapat na sinusuri muna. Kris Jose