Home NATIONWIDE Comelec sa mga botante: Pumili ng kandidatong may paninindigan

Comelec sa mga botante: Pumili ng kandidatong may paninindigan

MANILA, Philippines – Sinabi ng Comission on Elections sa mga botante na dapat pumili ng kandidato sa 2025 elections base sa kanilang paninindigan sa mga isyu hindi base sa kanilang personalidad.

Binanggit ni Comelec Chairman George Garcia ang kahalagahan na obserbahan ang mga kandidato sa panahon ng kampanya at alamin ang kanilang panana sa mga problema ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Garcia kung maaaring pilitin ng poll body ang mga kandidato na dumalo sa mga debate para sa 2025 elections.

Inulit ni Garcia na habang walang batas na nagre-require sa mga kandidato na makilahok sa mga debate, sinabi niya na lahat ng kandidato ay dapat atasan na iprisinta ang kanilang plataporma sa harap ng publiko.

Aniya, dapat may karampatang parusa sa disqualification for refusal to attend election debates.

“Yun po, kailangan sana namin ng batas sa bagay na yan,” sabi ni Garcia.

Sinabi rin niya na ang pagpasa ng batas na nag-uudyok sa mga kandidato na dumalo sa mga debate ay isang paghahanda para sa halalan sa 2028.

Nauna niyang sinabi na ang Comelec ay maaaring mag-endorso ng mga debate na pinangungunahan ng mga media outlet. Jocelyn Tabangcura-Domenden