Home NATIONWIDE OFWs sa Japan, suportado ang adbokasiya ni Bong Go

OFWs sa Japan, suportado ang adbokasiya ni Bong Go

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga overseas Filipino worker (OFW) at Filipino community sa Tokyo, Nagoya at sa Osaka sa Japan para ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga adbokasiya at gawain sa lehislatura ni Senator Christopher “Bong” Go.

Pinangunahan ng ‘Go Bong Go Global Filipinos’, ‘Mr. Malasakit Movement’ ang mga rally sa Nagoya at Osaka, habang pinangunahan ng ‘Republic Defenders for Peace and Unity’ ang pagtitipon sa Tokyo. Sa lahat ng lokasyon, halos 500 dumalo ang nagsama-sama, sumasalamin sa lumalagong impluwensya ni Go sa OFWs habang umiinit ang kampanya bago ang halalan sa Mayo.

Sa Nagoya, ang ugnayan ay nagpatuloy sa serye ng mga pagbisita sa paligid ng prefecture nito.

Itinampok sa Osaka event ang isang dynamic program na kinabibilangan ng cultural performances, testimonial, at musical showcase na pinangunahan ni James “Moymoy Palaboy” at ng kanyang kapatid na si Rodfil Macasero, bukod sa iba pang artista.

Sa Tokyo, ang mga tagasuporta ay nagpakita ng matibay na koneksyon sa pagitan ni Go at ng Filipino community sa Japan.

Sa isang video message, pinasalamatan ni Go ang kanyang mga tagasuporta sa Japan dahil sa kanilang sakripisyo kaya nangako siyang patuloy na isusulong ang para sa kanilang kapakanan.

“Sa lahat ng ating masisipag at dedikadong OFWs sa Japan, ang aking mainit na pagbati at lubos na pasasalamat sa inyong walang tigil na suporta at sakripisyo para sa inyong mga pamilya at sa ating minamahal na bansa. Kayo ang mga makabagong bayani na patuloy na nagdadala ng pagmamalaki sa Pilipinas sa pamamagitan ng inyong pagsusumikap at pagpupursige,” sabi ni Go.

Binigyang-diin ng mga organizer ang mga kontribusyon ni Go sa kabutihan ng OFWs, kagaya ng paglikha sa Department of Migrant Workers.

“Isa po ako sa nagsulong, isa po ako sa author at co-sponsor ng Department of Migrant Workers, isang departamento para po sa ating OFWs,” ayon kay Go.

Bilang chairperson ng Senate committee on Health, muling pinagtibay ng senador ang kanyang pangako na pahuhusayin pa ang access sa healthcare para sa mga Pilipino. Binanggit niya ang Malasakit Centers, Super Health Centers, at Regional Specialty Centers na kanyang itinaguyod sa Senado.

Higit pa sa kalusugan, bilang chairman ng Senate committee on sports at youth ay hinikayat niya ang kabataang Pilipino na lumahok sa mga sports upang manatiling malusog at makaiwas sa mga bisyo.

“Keep striving for your dreams, take care of your health, and always remember that you are never alone. Your Mr. Malasakit stands with you,” pagtitiyak ni Go sa kanyang mga tagasuporta. RNT