Home ENTERTAINMENT Romnick, tinabla ang mga artistang kandidato!

Romnick, tinabla ang mga artistang kandidato!

Manila, Philippines – Malinaw ang “electoral stand” ni Romnick Sarmenta: a big no to candidates who are from showbiz.

Kunsabagay, kanya-kanyang opinyon lang ‘yan.

Mukha namang handa ang aktor na makatikim ng pambabarag mula sa mga fans ng mga artistang tumatakbo sa iba’t ibang posisyon– national o lokal man.

Deklara ni Romnick: “Hindi ako boboto ng mga artista. Para sa akin, it’s not fair lalo’t pangalan ang pinakapuhunan mo.”

Paano na raw ang mga kalaban ng mga artistang hindi sikat?

Katwiran ni Romnick, ang pagiging sikat na artista’y hindi nangangahulugang batayan na ‘yon para umunlad ang bayan.

This early, the actor already has a list of who to vote in mind.

Romnick’s stand, however, should not be interpreted as being anti-showbiz considering na sa mundong ito siya nagmula.

Ang kanya lang, a star’s popularity is never a guarantee na may magagawa siya para sa bayan.

In fairness din naman to a handful of showbiz personalities, napatunayan na rin naman ang kanilang kakayahan nang makaupo noon. Ronnie Carrasco III