Manila, Philippines – It’s just a matter of asserting oneself.
Ganito nga ang line of thinking ng Sparkle artist na si Aira Lopez, ang nobya ni Batangas Vice Governor Marc Leviste.
Nagtataka kasi si Aira kung bakit big deal sa maraming tao ang 20-year age gap nila.
Maging ang estado ni Marc sa lipunan ay pinagdududahang dahilan kung bakit niya ito pinatulan.
Ito’y ayon sa isang netizen na hindi na napigilang soplahin ni Aira.
Sa wikang Ingles, Aira retaliated: “I’d rather choose a mature, respectful and smart guy rather than as nonsense as you. Baka nga you’re not young anymore, wala nang natira! Hahaha!”
Ang hanap daw kasi ni Aira ay ‘yung lalaking hard-working, and no doubt, Marc fits to a T.
Bakit nga rin naman daw siya hindi liligawan nito: “Eh, maganda ako!”
O, ‘di ba, confident kung confident!
At sa isyung kaya raw pumatol si Aira kahit may edad na si Marc at rich lang, Aira has this to say: “Why would I choose someone who’s not?”
Anyway, tiyak na memorable para kay Aira ang first Valentine’s Day nila together.
As soon kasi that Marc wrapped up his official work in Batangas ay bumiyahe sila ni Aira sa Hongkong para mag-dinner lang!