Home NATIONWIDE PBBM sa DA: Mabilis na suporta sa magsasaka, tiyakin ngayong planting season

PBBM sa DA: Mabilis na suporta sa magsasaka, tiyakin ngayong planting season

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang mabilis na paghahatid ng lahat ng uri ng suporta para sa mga magsasaka upang maiwasan ang anumang pagkaantala ngayong “planting season.”

“There should be no significant delays to the implementation of agri-support to farmers,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng DA sa isang pulong kasama ang mga economic manager sa Palasyo ng Malakanyang.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na iprayoridad agriculture sector, siguraduhin ang napapanahong budgetary support.

“Be mindful of the planting season. Huwag tayo maiiwanan sa planting season. That’s why you need to come up with the timely budgetary support,” ang winika ng Pangulo.

Samantala, binigyang diin ng DA na sa pamamagitan ng tamang tulong sa ‘fertilizers, quality seeds, at teknolohiya’, maaaring palakasin ng mga magsasaka at gawing mahusay ang pagiging produktibo nito.

Binigyang diin naman ng departameto na ang napapanahong pamamahagi ng binhi/ punla at fertilizers ay mahalaga para maiwasan ang mga pagkaantala at mapalawak o mapalaki ang potensyal na ani. Kris Jose