Home HOME BANNER STORY PBBM sa DA: P20/kg rice program palawigin ‘gang 2028

PBBM sa DA: P20/kg rice program palawigin ‘gang 2028

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na palawakin ang P20 kada kilo ng bigas hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Ibinaba ng programa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa pamamagitan ng subsidy na hinati sa pagitan ng DA at local government unit kung saan kung saan ibinebenta ang murang bigas.

“Inutos na ni Presidente sa amin na gagawin na natin ito hanggang 2028,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

“‘Yung formula na lang ang pinag-uusapan,” aniya pa rin.

Umaasa naman aniya ang administrasyon na ang proyekto ay mapakikinabangan ng 15 milyong pamilya o 60 milyong katao.

Habang ang programa para sa indigents ay nagsimula na sa Visayas at inaasahan na ilulunsad sa ibang lugar na may mataas na poverty incidence, inamin ni Tiu Laurel na ang bigas ay hindi maaaring ibenta ng P20 kada kilo para sa lahat ng mga Filipino.

“Hindi naman ito puwede sa lahat ng Pilipino… Ang mga mayayaman hindi na dapat sumama sa programa,” aniya pa rin.

Samantala, nakatakda namang makipagpulong ang DA sa mga bagong halal na lokal na opisyal upang ma-secure ang kasunduan para sa ‘shared subsidy.’

Ang 20 kada kilo ng bigas ay kasama sa campaign promises ni Pangulong Marcos noong 2022. Kris Jose