Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat kontra sakit sa gitna ng monitoring ng COVID cases

Publiko pinag-iingat kontra sakit sa gitna ng monitoring ng COVID cases

131
0

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) ang pangangailangan na magpatuloy na mag-ingat para makaiwas sa sakit.

Kasabay na rin ito sa mahigpit na monitoring na ginagawa ng ahensya sa banta ng Covid-19 sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa ibang bansa.

Sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na bumaba pa sa 87% ang kaso ng Covid sa bansa mula Enero hanggang May 3 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Mula sa 14,074 noong nakalipas na taon ay bumaba ito sa 1,774 ngayong 2025.

Mababa rin ang case fatality rate na 1.13% o isa ang namamatay sa kada 100 tinatamaan ng sakit.

Kasama sa paalala ng ahensya ang maayos na paghuhugas ng kamay, paggamit ng face mask at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here