MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpatupad ng updated na Bicol River Basin Master Plan para pagaanin ang epekto ng pagbaha sa rehiyon.
“I already instructed the Public Works to come up with a master plan that is appropriate for now. There is no other way to address the flooding problem except to manage the water flowing into the Bicol Region River Basin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang Regional Development Council meeting sa Pili, Camarines Sur, araw ng Biyernes.
“At least we have a plan now. We have to implement it properly because the old master plan was not rigorously implemented, so we have the same problem,” ang sinabi pa ng Pangulo.
Matatandaang nang bisitahin ni Pangulong Marcos ang Camarines Sur noong Oktubre ng nakaraang taon, nasaksihan nito (Pangulong Marcos) ang pagkawasak sanhi ng pagbaha dala ng Severe Tropical Storm Kristine.
Winika ng Pangulo na dapat lamang na maging prayoridad ng gobyerno ang flood control.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na ang lumang master plan ay hindi na angkop para tugunan ang kasalukuyang weather challenges dahil sa climate change.
“We have completed the updating of the master plan to also include the basic parameters taking into account climate change,” ang sinabi naman ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan kay Pangulong Marcos sabay sabing kasama ang inisyatiba sa Philippine-Korea Project Facilitation Program.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang updated plan ay dapat na gawing available sa lahat ng stakeholders upang sa gayon ay maintindihan ng mga ito kung paano ito gagana at ang papel ng local at national government. Kris Jose