MANILA, Philippines- Sa harap ng papuri ng talento, katapangan, at katatagan ng kababaihan Filipino sa pagdiriwang International Women’s Day, muling iginiit ni Senador Grace Poe ang pangangailangan na magtakda ng mas maraming patakaran at program upang maitaguyod ang kanilang karapatan at kapakanan.
Sa pahayag, idiniin ni Poe, chairperson ng Senate committee on finance, ang tuloy-tuloy na pondo para sa First 1000 Days law upang mabiyayaan ang lahat ng buntis sa benepisyo ng maternal healthcare.
“Women, mothers matter significantly in our lives. Access to quality healthcare ensures the good health of a mother and her newborn child,” ani Poe, author ng Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act na naisabatas noong December 2018.
“We made a vow more than six years ago to protect the health of mothers and their babies when we passed the law, and we are pleased with the strides this law has achieved for our women,” ayon kay Poe.
Bilang pangunahing batas, nagbibigay ang First 1000 Days law ng nutritional supplement sa kababaihan at sanggol kabilang ang vaccination, deworming, vitamin A drops, iron at iba pang food supplement, upang mapahusay ang kanilang nutrisyon at maiwasan at mapangasiwaan ang malnutrition.
Para sa 2025, sinabi ni Poe na nakapaglaan ang Kongreso ng P997 milyon para sa First 100 Days law na gagamitin sa naturang programa.
Nitong Pebrero, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang First 1,000 Days program, isang conditional cash grant na may layunin na suportahan ang tahan sa kritikal na maagang kaunlarin ng bata.
Tutok Kainan, isang programa na ipinatutupad ng National Nutrition Council (NNC), na may P24.5 milyong pondo sa 2025 na target na tulungan ang 782 pregnant women at 874 sanggol sa pitong local government units.
Mula 2020 hanggang 2024, nabenepisyuhan ng Tutok Kainan ang kabuuang 113,332 buntis at sanggol na may edad 0 hanggang 23 buwan mula sa 1,059 local government units na nakakumpleto ng 90/180-day feeding program.
Sa ilang lugar, iniulat ng NNC ang mahahalagang resulta ng programa tulad sa Negros Oriental na umabot sa 98.6% (1,193 mula sa 1,210) ng mother-beneficiaries na nanganak ng normal na timbang ng sanggol.
Sa Albay, umabot sa 3,425 pregnant beneficiaries ang nanganak ng normal na timbang na sanggo; samantalang sa Cebu, naman, umabot sa 1,600 pregnant beneficiaries, na bumagsak ang 243 nutritionally-at-risk women sa 74.
“Improved access to maternal health services and systems could not have been more timely and relevant with our celebration of the International Women’s Day,” ayon kay Poe.
“And, as we said when we proposed the First 1000 Days, this one is close to our heart because as an abandoned child, we could have been one of the many children who could not have gotten adequate care,” dagdag niya.
Ipinagpatuloy pa ni Poe: “But thankfully, despite the circumstances, we survived as a baby and fell into the hands of a loving family.”
“Our advocacy for women and children will continue even beyond the halls of the Senate,” ayon kay Poe. Ernie Reyes