Home NATIONWIDE PBBM sa kasalukuyang kalagayan ng Pinas: ‘We’re quite stable’

PBBM sa kasalukuyang kalagayan ng Pinas: ‘We’re quite stable’

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na ang kasalukuyang estado ng bansa ay “stable” kahit na sa gitna ng tinatawag niyang “political noise.”

Tugon ito ni Marcos sa katanungan hinggil sa kasalukuyan niyang assessment sa sitwasyon ng bansa sa nalalapit na pagtatapos ng 2024.

“Oh, we’re quite stable. I mean, the government is functioning properly. Although there’s a lot of noise, that’s all it is. It’s all just noise,” pahayag niya sa isang panayam sa Malacañang.

Hindi binanggit ni Marcos ang tinutukoy nitong “noise,” subalit noong nakaraang buwan lamang ay lumala ang sigalot sa pagitan nila ni Vice President Sara Duterte– partikular nang ilahad ng huli na may inatasan itong itumba ang Pangulo, asawa nitong si Liza at pinsang si Speaker Martin Romualdez sakaling mapatay siya. RNT/SA