MANILA, Philippines- “A lot more needs to be done.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng paghikayat sa local chief executives na “step forward and lead the change.”
Sa isinagawang paggagawad ng 2024 Galing Pook Awards sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, nanawagan si Pangulong Marcos sa local government units (LGUs) na “keep innovating” at gumawa ng magandang mga patakaran at programa.
“We are recognizing you for your compassion that you have shown to our people in the different programs that you have initiated, which are very innovative and as they say, demonstrate out-of-the-box thinking,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“And in these challenging times, our country needs leaders, innovators, and true public servants to step forward and to lead the change – change that we will help us create a more resilient and better future for our children,” dagdag niya.
Sinabi pa ng Pangulo na ang “real change” ay makakamit lamang kung ang national at local government ay magtutulungan, sa tulong na rin ng pribadong sektor at non-government organizations.
Ikinalugod din ng Pangulo ang pagiging ‘constant partner’ ng gobyerno ang Galing Pook Foundation sa pag-angat sa ‘bar of local governance.’
“The Galing Pook Awards give us a roadmap for a better Philippines. At their core, these awards are about how these (LGU) programs can improve lives, how they create jobs, protect (the) environment, promote women and children’s rights, enhance education, (and) strengthen our communities,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Tinuran ng Pangulo na ang ang ‘resourcefulness at community partnerships’ ng LGUs ay mahalaga sa pagtugon sa iba’t ibang hamon.
Pinuri ng Punong Ehekutibo ang mga lokal na pamahalaan sa buong mundo na nagkaroon ng inisyatiba na maghanap ng solusyon sa problema nang hindi na naghihintay pa ng direktiba mula sa national government.
“My challenge to all of you is this: Let us keep pushing. Let us keep innovating (because) the work of governance does not end. There is always more to be done, more people to serve, more ways to lead, more problems to solve, more initiatives to put into place,” giit ni Pangulong Marcos sa mga lokal na opisyal.
Samantala, ang mga nanalo para sa 2024 Galing Pook Awards ay ang Balanga City, Bataan para sa Balanga Community-based Ecotourism Zone, Bataan province para sa Breathing Life into the Ayta Magbukun: A Collaborative Initiative for Language Restoration sa Bataan.
Habang ang iba pang mga nanalo ay ang Cabagan, Isabela para sa Project Teaching Opportunities Prioritizing Illiteracy; Kapalong, Davao del Norte para sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology: The First Local College in Davao Region; Ormoc City para sa Saving Kan: A Love Story in Ormoc Bay (Marine Mammal and Reptile Rehabilitation Center); at Pandi, Bulacan para sa Pag-asa sa Bagong Bahay.
Nakatanggap din ng parangal ang Puerto Galera, Oriental Mindoro para sa Puerto Galera Waste Water Management; Quezon City para sa Quezon City Birth Registration Online (QC BRO); Taguig City para sa Ating Dibdibin Program; at Valenzuela City para sa Safe Spaces and Safeguarding Children: Strengthening LGU-led Community-Based Child Protection sa Valenzuela City.
Para sa nakalipas na tatlong dekada, kinilala ng Galing Pook Awards ang transformative power ng local governance sa pagsusulong pagbabago na nagpabuti sa kalidad ng positibong resulta, partisipasyon ng mga mamamayan, inobasyon, transferability, sustainability, at episyenteng service delivery. Kris Jose