Home NATIONWIDE PBBM sa mababang PH Times University ranking: Marami pang dapat gawin

PBBM sa mababang PH Times University ranking: Marami pang dapat gawin

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa komprehensibong istratehiya sa higher education sector.

Ikinalungkot kasi ni Pangulong Marcos ang ulat na walang unibersidad sa Pilipinas ang umabot sa Top 100 sa Times Higher Education’s 2024 Asia University Rankings.

”As of December 2023, 81 Philippine Higher Educational Institutions have been included in various world university rankings—a significant increase from the 52 [HEIs] that were included in July 2023,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa National Higher Education Day Summit.

”However, we must acknowledge that in the recent Times Higher Education’s 2024 Asia University Rankings, unfortunately, no Philippine university has reached Top 100, with the country’s top schools either dropping or maintaining their rankings,” dagdag na pahayag nito.

”This just goes to show that much work is still to be done. We must pursue a comprehensive and all-encompassing strategy that will turn this trend around,” ayon pa rin sa Chief Executive.

Binigyang-diin din ng Punong Ehekutibo na ang “greatest obligation” sa mga kabataan ay ”to mold them into critical thinkers, into problem solvers, into visionaries, wielding the skills that will allow them to succeed in the future.”

Tinuran pa nito na sa kawalan ng educated workforce, ”any national economic blueprints will remain simply as that — blueprints.”

”We will not have the means or the capacity or the labor force to be able to make those plans reality. Without skilled manpower who will run them, industries will grind to a halt, social services will cease to function,” giit ni Pangulong Marcos.

Nananatili ang Ateneo de Manila University sa “highest ranking” sa Philippine university sa 2024 Times Higher Education (THE) Asia University Rankings.

Ayon sa listahan, ang Ateneo ay nasa 401–500 rank, sinundan ng De La Salle University at University of the Philippines sa 501–600 rank. Samantala, ang Mapua University at University of Santo Tomas ay kapwa nasa 601+ rank.

Matatandaang nangako ang Pangulo na pagbubutihin ang higher education at gagawin itong mas “responsive” sa kasalukuyan at hinaharap na pangangailangan ng lipunan na itinuturing na “front at center” ng national development agenda ng kanyang administrasyon.

“The success of many of our plans for the country depends heavily on the availability of a strong, resilient, and skilled human resource to drive the nation forward,” ayon sa Pangulo.

Samantala, ang summit ay nag-aalok ng oportunidad para sa mga lider ng higher education institutions upang palakasin ang umiiral na partnerships habang sama-samang tinutugunan ang mga usapin at hamon sa Philippine education system. RNT/SA