Home NATIONWIDE PBBM sa ‘paglabag’ sa human rights sa pagpasok ng 2,000 pulis sa...

PBBM sa ‘paglabag’ sa human rights sa pagpasok ng 2,000 pulis sa KOJC compound: ‘I don’t think so’

MANILA, Philippines- “I don’t think so.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman Association (MCA) sa Heroes’ Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Agosto 27 nang tanungin kung may nangyaring paglabag sa karapatang pantao nanng pumasok ang 2,000 pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy.

“The reason we did this was so that we can contain the peace. The only way to maintain the peace is to make sure that the area is safe and is secure,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Kinonsidera rin ng Pangulo ang 30-heactare compound kung saan kailangan talaga ng maraming tao. Hindi aniya pwedeng gawin ito ng isang dosenang pulis lamang.

“Hindi na bale ‘yung lumalaban o nagreresist, nanghaharang. Di na bale muna ‘yon, para lang ‘yung paginspeksyon ng 30 hectares kailangan mo na agad ng maraming tao. So I do not see. I think what they’re talking about, political na ‘yan,” ayon pa rin sa Pangulo.

Bukod dito, binigyang-diin ni Marcos na lahat ng pumasok na pulis sa compound ay hindi armado at walang baril kahit isa.

Hindi rin aniya gumamit ng tear gas ang mga pulis.

“Wala kaming ginawang ganoon. So anong human rights violation. Marami lang. Kung kokonti, mas marami pang nasaktan na supporters ng KOJC, maraming nasaktan na pulis dahil mahlalaban. Kung marami tapos agad ang problema, so that’s what we’ve done,” giit ng Pangulo.

Sa kabilang dako, hindi aniya niya maintindihan kung bakit idinadamay ni Quiboloy ang mga tauhan nito.

“Kasi sinasabak niya mga tauhan niya eh wala namang kasalanan mga ‘yan, they just believe, they are looking for an answer, a value system and they think they have found it with Quiboloy, but they did not sign up to be in the frontline of this kind of thing that’s happening now, that they’ll protect him from arrest even when he has case was filed against him not only here in PH but also in the US,” litaniya nito.

“I suppose I can understand their disagreement with us, even anger, but all the police are doing is enforcing the warrant of arrest against Apollo Quiboloy,” dagdag niya. Kris Jose