Home NATIONWIDE PBBM sa pasasalamat ni VP Sara sa ‘renewed relationship’ sa ama: ‘Glad...

PBBM sa pasasalamat ni VP Sara sa ‘renewed relationship’ sa ama: ‘Glad I could help’

MANILA, Philippines- GLAD i could help!

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang bilang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang sinasabing pasasalamat ni Vice President Sara Duterte sa huli ay dahil sa ‘renewed relationship’ sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakaditine ngayon sa International Criminal Court (ICC) para sa umano’y crimes against humanity na iniuugnay sa drug war.

Ani Castro, ipinaabot nya sa Pangulo ang sinabi ni VP Sara at “glad, I could help” aniya ang naging sagot ni Pang Marcos.

Subalit, biglang kambyo naman si Castro nang sabihin nito na: “Mas maganda po siguro kung magpasalamat muna si VP Sara sa kanyang ama mismo, kay dating Pangulong Duterte, dahil kung siya man po ay nagkaroon ng pagkakataon at nagkaroon ng oras kasama ang kanyang ama ay dahil po ito sa kasong EJK.”

Kung hindi aniya naganap at nagawa  ang sinasabing mga aksyon patungkol sa war on drugs at walang nagreklamo ay hindi rin naman aniya sila magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa The Hague.

“So, mas maganda pasalamatan niya muna po, dahil sa ginawa ng kanyang ama, sa mga inerereklamo sa kanya, iyon po ang naging cause kung bakit  sila nasa The Hague,” ang pahayag ni Castro.

Sinabi kasi ni VP Sara na sa kabila ng pagiging ‘ironic’ ng bagay na ito, pinasalamatan pa rin ni VP Sara si Pangulong Marcos dahil “there was forgiveness between” sa kanya at sa kanyang ama “for all that has happened in our lives.”

“We have a relationship now, a father-daughter relationship. Since we cannot discuss anything legal anymore because it is understood inside that only the lawyers can discuss legal matters with the former president, So, we only discussed family, and this has been one of the longest meetings I have had. I have this every day with him, talking about life,” ang sinabi ni VP Sara.

“At this point, he’s already 80, and he’s already retired. He will go back up again to his job. So, we were given this time to talk as father-daughter,” aniya pa rin sabay sabing, “It’s sad that it has to happen inside. But there is a good side. It’s sad that it has to happen inside.” Kris Jose