Home ENTERTAINMENT Marian, nag-throwback sa pang-a-alaska ni Gabby!

Marian, nag-throwback sa pang-a-alaska ni Gabby!

Manila, Philippines- After a number of years of having been away from the cameras, sino ba naman ang hindi tiyak na mangangapa as though he or she is starting all over again?

Ganito ang feeling ni Marian Rivera nang sumabak sa unang araw ng taping for her TV comeback.

It was Gabby Concepcion, ang kapareha niya, and alien ang papel na ginampanan ni Marian.

Limang taon din siyang namahinga sa paggawa ng daily soap noon.

Pandemic kasi noon, at kahit anong pilit kay Marian na magtrabaho ay ayaw niya, understandably for health reasons.

Having been sidelined that long, aminado ang GMA Primetime Queen na parang she went back to being an upstart.

Aniya: “Hindi ako alam ang anggulo ko. Pati lighting, nangapa ako. Hirap din ako mag-deliver ng lines ko!”

Buti na lang, inalalayan daw siya ng kanyang mga kasama sa set.

All praises naman si Marian kay Gabby who’s a jester on the set.

May halo kasing pang-aalaska sa kanya ang mga binibitiwang joke ng aktor.

Sey ni Marian: “Inaasar nga niya ako, eh…’O, baka mabuntis ka na naman!’ Nabuntis kasi ako kay Ziggy nun’g time na dapat may project nga kaming gagawin!” Ronnie Carrasco III