MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac nitong Huwebes ang provisional release ng 17 Pilipinong naaresto sa Qatar dahil sa unauthorized political demonstration.
Sa press briefing, sinabi ni Cacdac na inatasan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ang mga kaukulang awtoridad na plantsahin ang agarang pagpapalaya sa 17 indibidwal.
Sinabi ni Cacdac na gumuglong pa ang imbestigasyon kaya hindi pa makauuwi ang mga Pilipino. RNT/SA