Home HOME BANNER STORY PBBM sa Pinoys sa Ninoy Aquino Day: Demokrasya protektahan, kalayaan itaguyod

PBBM sa Pinoys sa Ninoy Aquino Day: Demokrasya protektahan, kalayaan itaguyod

2
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga filipino na humugot ng aral mula sa kasaysayan ng bansa at manatiling committed na protektahan ang demokrasya, kalayaan at pambansang pagkakaisa ngayong Ninoy Aquino Day.

Sa isang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang alaala ng namayapang senador ay nagsisilbi bilang paalala para sa mga filipino na manindigan sa kanilang paniniwala at mag-ambag sa demokratikong paglalakbay ng bansa.

“Ninoy Aquino Day, therefore, invites us to acknowledge the past and draw from it the resolve needed to safeguard freedom, strengthen our institutions, and deepen national unity,” ayon sa Pangulo.

“The challenges facing our democracy may have changed over time, but our shared responsibility to reinforce it remains,” dagdag na wika nito.

Para kay Pangulong Marcos, ang mga hamon na ito ay ‘disinformation, division, distrust, at civic indifference.’

Aniya, “Ninoy’s legacy encourages Filipinos to address such matters with vigilance and faith in the Filipino people.”

“For its part, this administration will remain steadfast in protecting our sovereignty, upholding the rule of law, and ensuring that the liberty we cherish is matched by real opportunities for every Filipino,” ang tinuran ng Pangulo.

“Together, let us carry forward the lessons of our history as we continue to nurture a more peaceful and prosperous Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.

Si Aquino ay itinuturing na mabangis na kritiko ng ama ng Pangulo na ang namayapa at si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang dating senador ay tinambangan sa Manila International Airport, na ngayon ay ipinangalan sa kanya bilang pagbibigay karangalan, noong August 21, 1983.

Samantala, idineklara naman ng Malakanyang ang Agosto 21, 2026 bilang special non-working day. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here