Home NATIONWIDE PBBM sinisi ni VP Sara sa kaguluhan sa Senado at sa bansa

PBBM sinisi ni VP Sara sa kaguluhan sa Senado at sa bansa

64
0

MANILA, Philippines – Sinisi ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y kaguluhan sa Senado at sa bansa, kasabay ng akusasyon na inaabuso ng administrasyon ang kapangyarihan laban sa mga kritiko at oposisyon.

Ayon kay Duterte, ang nangyaring tensyon sa Senado noong Miyerkules ng gabi ay bunga ng umano’y kawalang-galang sa institusyon at grave abuse of power ng administrasyon.

“What you are witnessing sa bayan natin is grave abuse of power,” ani Duterte.

Iginiit din niya na ginagamit umano ng administrasyong Marcos ang lahat ng resources ng gobyerno laban sa mga hindi sumusuporta sa Pangulo.

“So, what we are seeing now is the administration using all government resources to demolish political opposition or those individuals who do not follow or agree or support BBM. Nagkakagulo lang tayo dahil kay BBM,” dagdag niya.

Tumugon naman ang Malacañang at sinabing walang basehan at substansya ang mga pahayag ng Bise Presidente.

Ayon pa sa Palasyo, kailangan ng bansa ng isang public servant at hindi ng “one who only knows how to create intrigue and fake news.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here