Home NATIONWIDE PBBM: Space Science dapat pakinabangan ng komunidad sa klima, sakuna at kaunlaran

PBBM: Space Science dapat pakinabangan ng komunidad sa klima, sakuna at kaunlaran

279
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ‘space science’ ay dapat na direktang mapakikinabangan ng mga komunidad.

Sinabi ng Pangulo na ang lumalagong ‘space capabilities’ ng bansa ay dapat na nagpapalakas sa ‘climate resilience, disaster response, at sustainable development.’

Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang 31st Asia-Pacific Regional Space Agency Forum (APRSAF-31) na isinagawa sa Shangri-La Mactan sa Cebu, araw ng Biyernes, Nov. 21.

Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang diin nito kung paano hinuhubog ngayon ng space technology ang pang-araw-araw na buhay, mula sa weather tracking hanggang sa environmental protection.

“[Today], we are reminded of how deeply space exploration touches and transforms the lives of our people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ani Pangulong Marcos, ang tema ngayong taon ay — “Empowering the Region through Space Ecosystem in Action” — sumasalamin sa paglilipat mula sa talakayan tungo sa aktuwal na implementasyon ng space-magagawang resolbahin ang nasa ibang rehiyon.

Winika pa ni Pangulong Marcos na ang umigting na climate crisis at ang tumataas na complex disasters ay gumagawa ng space-based tools na mahalaga para sa survival, lalo na sa mga bansa gaya ng Pilipinas.

Inilarawan naman ng Pangulo ang extreme exposure ng bansa sa hazards, tinukoy ang Pacific typhoon belt at ang Pacific Ring of Fire.

“The Philippines experiences “19 to 20 tropical cyclones each year as well as an average of 20 recorded earthquakes per day,” anito.

Binigyang diin ng Pangulo na ang Asia-Pacific countries ay nakadepende o umaasa sa mas maraming satellite-generated data para paghusayin ang ‘governance, protect ecosystems, at support inclusive development.’

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang second hosting ng Pilipinas ng APRSAF, matapos ang 2016, ipinakikita lamang ang umiigting na commitment sa regional collaboration at capability-building.

Pinasalamatan naman ng Chief Executive ang Philippine Space Agency (PhilSA), ang Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA), at Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology (MEXT) ng Japan para sa pag-organisa ng event.

Pinuri naman ng Pangulo ang trabaho ng PhilSA sa nakalipas na anim na taon para sa pagbibigay ng satellite data sa mga ahensiya ng gobyerno, researchers, at pribadong sektor.

“These are used to aid disaster risk reduction and management as well as monitor the country’s maritime domain,” ayon sa Pangulo.

Looking forward naman ang Pangulo sa pagtatapos ng Multispectral Unit for Land Assessment (MULA) satellite, itinuturing na pinakamalaking Earth observation satellite ng bansa sa oras na mailunsad na.

Sa kabilang dako, binigyang diin din ng Pangulo ang paghahayag ng Copernicus Data Centre noong nakaraang taon ng PhilSA at European Commission, ang unang pasilidad ng uri nito sa Asya.

Sinabi ng Pangulo na “the center’s pilot services are helping put “data into the hands of Filipino experts and decision-makers.”

“The APRSAF-31 gathers over 40 countries in Cebu from November 18 to 21 to discuss space-driven solutions and strengthen partnerships in disaster management, Earth observation, and industry development,” ayon sa ulat.

Itinatag noong 1993, ang APRSAF ay nananatiling pinakalamaking “space-related conference” ng rehiyon, nagbibigay ng plataporma para sa joint initiatives na sumusuporta sa mga komunidad sa Asia-Pacific. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here