Home NATIONWIDE PBBM suportado ni Lacson vs flood control profiteers

PBBM suportado ni Lacson vs flood control profiteers

260
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong suporta laban sa mga mapagsamantala na sangkot sa katiwalian sa likod ng palpak at guniguning flood control projects.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, ginagawa niya at ng kanyang staff ang pagkalap ng ebidensya laban sa mga ganid na ito, at pati na rin ang kanilang kasabwat sa gobyerno at pribadong sektor.

“We feel you, Mr. President. You have given me and my team the firm resolve to do our part in exposing, even compiling solid evidence to nail these ‘greedy flood-control profiteers’ and their cohorts both in the public and private sectors. We have your back, Sir,” aniya sa X.

Sa isang teaser video ng kanyang podcast noong Sabado ng gabi, tila naiiyak ang Pangulo at sinabing siya ay labis na nababahala para sa mga Pilipinong nahihirapan habang ang mga sakim ay patuloy na kumikita.

Ayon sa Pangulo, nagsusumikap nang husto ang karaniwang Pilipino para sa kanilang pamilya ngunit sila pa ang naghihirap. “Mabuti kung masamang tao yan, dapat parusahan. Hindi naman. Walang ginawa iyan kundi magtrabaho, kundi mahalin ang pamilya. Ba’t mo paparusahan? Para magpayaman ka? That makes no sense to me,” aniya.

Noong Agosto 20, nagtalumpati si Lacson sa Senado at ibinunyag ang korapsyon sa likod ng mga substandard at ghost flood projects. Ipinagpasalamat din niya ang pahayag ng Pangulo na “Mahiya naman kayo” para sa mga mambabatas na sangkot sa katiwalian, gayundin ang pagtatatag ng Sumbong sa Pangulo website na nagbibigay-alam sa publiko ukol sa estado ng mga flood control projects sa buong bansa.

Noong nakaraang weekend, sinabi ni Lacson na handa siyang magbigay ng matitinding ebidensya sa bagong pamunuan ng DPWH laban sa mga “rotten fruits” ng ahensya.

Sa Miyerkules, Setyembre 10, nakatakdang ipagpatuloy ni Lacson ang kanyang pagbubunyag tungkol sa katiwalian sa likod ng mga substandard at ghost flood control projects sa isa pang privilege speech. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here