Home HOME BANNER STORY PBBM: Teritoryo ng Pinas ‘di isusuko

PBBM: Teritoryo ng Pinas ‘di isusuko

MANILA, Philippines- Hindi isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.

Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliit ang pwersa ng Pilipinas kumpara sa “those encountered in the West Philippine Sea.”

Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan, malugod na binati ni Pangulong Marcos ang mga tropa “for holding the line.”

“In comparison doon sa mga ibang nakakatagpo natin doon sa West Philippine Sea ay kahit na maliit lang ang naihaharap natin na puwersa ay maganda naman ang nagiging resulta,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Talk to Troops sa Western Command Lawak Gymnasium sa Palawan.

“Dahil kahit papaano ay nagagawa natin na nagiging maliwanag, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo na tayo ay di tayo papayag na kukunin sa atin ang teritoryo ng Pilipinas. So keep up the good work,” dagdag na wika nito.

“Congratulations for the achievements that you have made already in terms of holding the line,” pagbati niya.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay bilang tugon na rin sa ginawang pagpapalabas ng China sa bago at opisyal na  “standard” map na nagpapakita ng  “extended claims” nito sa  South China Sea.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Chief Executive na ang pagsisikap ng Wescom ay naging epektibo para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

“The Western Command is playing their very, very important part in keeping the peace. That is the most important part of all of these is to keep the peace. And equally important is to defend the sovereign territory of the Republic of the Philippines,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, ipinangako naman ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng suporta sa militar,  lalo na pagdating sa modernisasyon. Kris Jose