Home NATIONWIDE PBBM: Trilateral alliance ng PH, US, Japan, magpapanatili ng kapayapaan, katatagan sa...

PBBM: Trilateral alliance ng PH, US, Japan, magpapanatili ng kapayapaan, katatagan sa SCS

MANILA, Philippines-Kumpiyansang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang trilateral alliance ng Pilipinas sa Estados Unidos at Japan ay maghahatid sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea (SCS).

Sa naging pagpupulong ng Pangulo kina US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pentagon sa Washington DC, sinabi ni Pangulong Marcos na ang resulta ng makasaysayang trilateral summit kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida ay makapagbibigay ng “continuing defense” ng international law sa gitna ng lumalagong tensiyon sa SCS.

“We hope that this trilateral agreement, which we formalized yesterday, will be a formalization of an added multilateral support and structure that will make the safety, the peace, and the stability of the South China a reality and continued to be a reality,” ayon kay Pangulong Marcos.

“I view of the new agreements, and the new partnerships and alliances that we have forged, including the trilateral agreement, not as a response to any particular challenge or threat but merely a continuing development and evolution of the relationship that we have been fostering over a hundred years,” dagdag na pahayag nito.

Umaasa naman ang Pangulo na ipagpapatuloy ng Pilipinas at Estados Unidos na maging mas malapit, binigyang-diin nito na marami ng nagawa ang dalawang bansa sa ilalim ng kanyang liderato.

Tinuran ng Punong Ehekutibo na ang kanyang pagbisita sa Pentagon ay naglalayong muling pagtibayin ang matatag na relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng mga banta at hamon na kinahaharap nito.

“Thank you once again for this opportunity for us to consult with you and to see what more it is that we can do in the future,” ayon sa Pangulo.

Nakapulong ni Pangulong Marcos si Austin sa Pentagon, isang araw matapos ang kanyang landmark trilateral meeting kasama sina Biden at Kishida, araw ng Biyernes, (Manila time).

Sa isang joint statement matapos ang kanilang trilateral meeting, nagpahayag ng kanilang “serious concern” sina Pangulong Marcos, Biden, at Kishida sa mapanganib at agresibong pag-uugali ng Tsina sa SCS.

Nanawagan ang tatlong lider sa Tsina na igalang ang “final and legally binding” 2016 ruling na nagpapatibay sa sovereign rights at hurisdiksyon ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito.

Tiniyak naman ni Austin kay Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng Estados Unidos sa Pilipinas, binigyang-diin na ang dalawang bansa ay higit pa sa magkaalyado.

“We’re sending our help in any way we can because as what I often said, we’re more than allies, we’re a family,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing, “We’re gonna keep building our partnership.”

Winika ni Austin na nakamit ng dalawang bansa ang “great work and cooperation, idagdag pa na ang kanilang alyansa “has never been this strong to strengthen interoperability between our forces and to tackle common challenges.”

Tinukoy nito ang “expanded operational coordination sa kalupaan, karagatan at sa himpapawid ng dalawang bansa.

“This whole cooperation is critical to our collective security and continued prosperity across the region,” ayon kay Austin, inulit ang “ironclad” defense commitment ni Biden sa Pilipinas. Kris Jose