Home METRO PBBM, umaasa ng mas mababang hunger rate sa pagtatapos ng 2025

PBBM, umaasa ng mas mababang hunger rate sa pagtatapos ng 2025

321
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na patuloy na bababa ang hunger rate sa pagtatapos ng taon.

Sinabi ng Pangulo na ang pangarap niya na makamit ang zero hunger ay matutupad na.

”Palagay ko, pagkatapos ng taon makikita natin mas mababa pa, dahan-dahan po na natutupad po ang pangarap po ng inyong Pangulo, ang pangarap ng lahat ng Pilipino na wala nang pamilyang ginugutom dito sa atin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang Kumustahan with the Walang Gutom beneficiaries.

Sa kabilang dako, binigyang diin ni Pangulong Marcos kung paano na ang programa ay naging instrumental sa pagbabawas ng hunger rate, sabay sabing noong Marso ng taong kasalukuyan, ang rate ay pumalo sa 41.5%, mas mababa kumpara sa 48.7% noong October 2024.

”Dahil dito sa programa na ‘to, bumaba na po ang hunger rate, ang mga gutom sa household beneficiary. Lahat po sa household beneficiary natin, bumaba na po ang gutom,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

”Dati, noong Oktubre ng nakaraang taon ay 48.7% po ang sinasabing hunger rate na ginugutom pa. Dahil sa programang ito, ‘yang numerong ‘yan ay bumaba na po at naging 41.5% nitong Marso ng 2025,” aniya pa rin.

Sa ilalim ng Walang Gutom Program, ang mga benepisaryo ay ginagabayan sa pagpili ng mga pagkain na kanilang bibilhin.

Isang resibo ang ibibigay sa kanila matapos na sila’y mag- check out sa kiosk.

Hindi naman kailangang ubusin ng benepisaryo ang P3,000 credit, subalit mabuti na rin na mai-maximize ang halaga lalo pa’t layunin naman nito ay tugunan ang zero hunger. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here