Home METRO PCG-baywatch patrol isinagawa sa Baseco Beach sa kasagsagan ng init ng panahon

PCG-baywatch patrol isinagawa sa Baseco Beach sa kasagsagan ng init ng panahon

84
0

MANILA, Philippines – Dahil sa sobrang init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa, hindi maiwasan ng ilang mga residente malapit sa Baseco Beach na magtampisaw o mag swimming para maibsan ang nakakapasong init.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagpaptrolya ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Baseco Beach upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataang naliligo sa katubigan sa kasagsagan ng tag-init.

Nagsagawa rin ng baywatch patrol ngayong araw May 5 ang mga Coast Guard District NCR -Central Luzon (CGDNCR-CL) personnel upang paalalahan ang mga kabataan na manatili sa mababaw na bahagi para maiwasan ang pagkalunod.

Hinikayat din ang kanilang mga magulang na manatiling alerto at makibahagi pagtataguyod ng kaligtasan ngayong summer season.

Pinaalalahanan din ng CGDNCR-CL ang mga residente na hanggang maari ay iwasan ang pagligo sa Baseco Beach dahil sa mataas na antas ng “fecal coliform bacteria” na nakasasama sa kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here