Home NATIONWIDE PCG magpapakalat ng 17K tauhan sa Semana Santa

PCG magpapakalat ng 17K tauhan sa Semana Santa

139
0

MANILA, Philippines – Handang-handa na ang deployment ng humigit-kumulang 17,000 PCG personnel upang umalalay sa mga uuwi sa kanilang mga probinsya.

Ayon sa PCG, simula bukas, ika-28 ng Marso 2026 hanggang ika-5 ng Abril 2026 ay ipapakalat ng ang mga tauhan nito.

Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan PCG, hihigpitan ang pagsasagawa ng pre-departure inspection upang masiguro na walang barko ang magsasakay ng higit sa itinakdang bilang ng pasahero.

Noong Semana Santa 2025, umabot sa tatlong milyong pasahero ang na-monitor ng PCG Command Center at kung walang magaganap na sama ng panahon ngayong taon, ani Commodore Cayabyab.

Inaasahan namang aabot din sa ganitong bilang ang mga pasaherong dadagsa sa mga pantalan ngayong taon.

Ang PCG ay nakafull alert status upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa nalalapit na Semana Santa 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here