Home NATIONWIDE PCG may konkretong ebidensya vs China sa WPS

PCG may konkretong ebidensya vs China sa WPS

MANILA, Philippines – Patuloy sa pagdodokumento ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga illegal na aksyon ng China sa West Philippine Sea, ayon kay National Task Force for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela.

Ani Tarriela, nakahanda silang magbigay ng mga ebidensya patungkol dito kung kakailanganin.

“With regard to the transparency efforts of the Philippine Coast Guard, we are documenting the aggression and the illegal presence of the Chinese government in the West Philippine Sea,” sinabi ni Tarriela sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Aniya, ipinapaubaya na ng PCG sa mga ekpserto kung ano ang gagawin para rito.

“We are not the legal authority as to how the Department of Justice or the Office of the Solicitor General will make use of our report. We only document the actual incidents that happened and we have tremendous trust in our legal luminaries,” ani Tarriela.

Anang opisyal, hindi na maikokonsiderang gray zone tactics ang mga estratehiya ng China.

“Ang tawag na natin dito illegal, coercive, aggressive and deceptive action of Chinese government. We just call them as outright illegal activities,” aniya.

“It has been very obvious. Ang ginagawa nila ay violations of the international law, coercion, deception and basically, harassment in deploying of their vessels illegally,” dagdag pa nito.

Nitong Huwebes, sinabi ng pamahalaan ng China na hindi ito magbabayad ng P60 milyon para sa pinsalang idinulot sa Pilipinas matapos na magkaroon ng engkwentro sa China Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17. RNT/JGC