Home NATIONWIDE PCG nagpaalala: Mag-ingat para iwas-lunod sa tag-init

PCG nagpaalala: Mag-ingat para iwas-lunod sa tag-init

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na maging mas maingat upang maiwasan ang pagkalunod ngayong tag-init at panahon ng bakasyon.

Ayon kay Lt. Junior Juanito Melad ng PCG Northern Luzon Special Operations Group, ang kaligtasan ay nagsisimula sa self-awareness. Pinayuhan niya ang publiko na suriin muna ang kondisyon ng tubig bago lumangoy.

Nagbabala naman si Ensign Alfoord John Guttierez ng PCG Northwestern Luzon laban sa pagsasagawang rescue attempts ng mga hindi sanay, dahil maaaring humantong ito sa mas maraming casualty.

Ayon naman kay Ensign Mart Phil Deserva, deputy station commander ng PCG La Union, patuloy silang nagsasagawa ng baywatch operations at pagpapatrolya katuwang ang mga lokal na pamahalaan, pati na rin ang pagsasanay at seminars para sa LGUs.

Tumaas ang bilang ng naitalang insidente ng pagkalunod noong 2024 na umabot sa 60, mas mataas kumpara sa 53 kaso noong 2023, na inuugnay sa lagay ng panahon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)