Home NATIONWIDE Binaklas na Twitter logo nabenta ng $35,000 sa auction

Binaklas na Twitter logo nabenta ng $35,000 sa auction

NEW YORK – Naibenta sa isang auction ang iconic na blue bird logo mula sa dating punong-tanggapan ng Twitter sa San Francisco sa halos $35,000 matapos itong i-rebrand bilang X ni Elon Musk.

Ayon sa RR Auction, ang nasabing logo na may bigat na 254 kg at sukat na 3.7 by 2.7 metro ay nabili sa halagang $34,375. Hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan ng bumili.

Nauna nang ibinenta ni Musk ang iba’t ibang gamit sa opisina, kabilang ang mga signage at muwebles.

Ilan sa iba pang natatanging item sa auction ay isang Apple-1 computer na naibenta ng $375,000, isang 1976 Apple check na may pirma ni Steve Jobs na nagkakahalaga ng $112,054, at isang first-generation 4GB iPhone sa orihinal nitong packaging na nabili ng $87,514. RNT