Home METRO Most wanted sa Calabarzon, patay sa engkwentro

Most wanted sa Calabarzon, patay sa engkwentro

MAYNILA – Patay ang tinaguriang most wanted sa Calabarzon na si Mark Lee Almendral, 30, matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang operasyon sa Calamba City, Laguna.

Nahaharap si Almendral sa dalawang kaso ng murder at dalawang attempted murder.

Ayon sa body cam footage, naghagis umano siya ng granada na hindi sumabog bago napatay ng mga operatiba.

Ayon sa Calabarzon PNP, ang operasyon ay isinagawa batay sa mga warrant na inisyu ng iba’t ibang korte. Inaresto rin ang kanyang live-in partner, Rowena Manila, na nahaharap sa kasong direct assault at obstruction of justice. RNT