Home NATIONWIDE PCG naka-heightened alert sa Semana Santa

PCG naka-heightened alert sa Semana Santa

MANILA, Philippines- Isasailalim sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Semana Santa 2025 para sa inaasahang exodus ng mga sea traveler sa mga lalawigan.

Magkakabisa ang alert statu mula Abril 13, Linggo ng Palaspas, hanggang Abril 20, Linggo ng Pagkabuhay.

Ito ay upang tiyakin ang seguridad ng mga manlalakbay sa mga sasakyang pandagat at daungan sa panahon ng Lenten Season, idinagdag ng ulat.

Magpapatupad ang PCG ng Oplan Biyaheng Ayos sa pakikipag-ugnayan sa iba pang pwersang panseguridad ng gobyerno.

Bukod sa pagbabantay sa dumaraming pasahero, nagbabantay ang PCG sa mga posibleng insidente ng kriminalidad sa inaasahang exodus.

Samantala, sa mga kalsada, maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,500 field personnel para pamahalaan ang trapiko.

Dinagdagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng mga bus na magseserbisyo sa mga commuter nitong linggo.

Sisimulan na rin ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng random inspections sa mga terminal.

Isasagawa rin ang mga pagsusuri sa mga driver bago sila magsimula sa kanilang mga paglalakbay.

Iniulat ng PITX ang pagdami ng mga commuter ngayong Miyerkules, ang Araw ng Kagitingan (Day of Valor) holiday, kumpara noong nakaraang taon ngunit inaasahang tataas pa ang bilang habang patungo ang bansa sa Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden