MANILA, Philippines- Nagbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mahigit 1,000 special permits sa public utility buses para sa Holy Week.
“As of last night, there are 1,018 buses with the special permit,” pahayag ni LTFRB spokesperson Ariel nitong Martes.
“These are the buses originating from Metro Manila with different points of destination in the provinces,” dagdag niya.
Ang period para sa pagtanggap ng aplikasyon para sa special permits ay mula February 24 hanggang March 7.
Nauna nang inanunsyo ng LTFRB na valid ang special permits mula April 13 hanggang April 26.
Ipinaliwanag ng board na ang pag-isyu ng special permits ay magbibigay-daan sa mas maraming public utility vehicles upang maserbisyuhan ang pagdagsa ng mga pasahero sa labas ng kanilang designated routes. RNT/SA