MANILA, Philippines – Nanatiling naka-alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kabila ng tuluyan nang paglabas ng bagyong Tino sa bansa.
Ito ay dahil na rin sa paparating na bagyong Uwan na mas malakas kaysa sa pananalasa ng bagyong Tino.
Ayon sa PCG, isinagawa na rin ng Coast Guard District Northeastern Luzon ang pag-activate ng kanilang Deployable Response Groups sa San Fernando, La Union, kung saan inaasahang tatama ang bagyong Uwan sa Northwestern Luzon.
Tiniyak ng Coast Guard District ang kahandaan ng mga essential rescue gears, communication equipment, at floating assets para sa evacuation at rescue operations.
Dagdag pa ng PCG, naka-heightened alert na rin ang PCG District Bicol. Jocelyn Tabangcura-Domenden