Home NATIONWIDE PCG sa WPS video ni Vice Ganda: Piliin natin ang Pilipinas

PCG sa WPS video ni Vice Ganda: Piliin natin ang Pilipinas

MANILA, Philippines- Pinuri ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa forefront ng depensa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), ang celebrity television host na si Vice Ganda para sa pagbibigay-kaalaman sa socially relevant issues, partikular sa umiigting na Chinese intrusions sa katubigan ng bansa.

Sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, inihayag ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela ang pag-asang magiging inspirasyon ang video ng media personality upang mapagtanto ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagpili sa Pilipinas.

“Siguro, this is the right time for us to realize na dapat kahit anong…kung nasa gobyerno ka man o nasa pribado ka, piliin natin ang Pilipinas,” wika ng opisyal.

“Laging tatandaan natin na our country’s not perfect, pero Pilipino tayo, nakatira tayo sa Pilipinas, iisang bansa tayo. Ang lagi nating isaalang-alang ay ang interes ng Pilipinas,” patuloy niya.

Ayon kay Tarriela, nagsisibing inspirasyon ang video ni Vice Ganda sa “Piliin Natin ang Pilipinas” trend dahil “it connects to all the Filipinos, regardless of your social status.” RNT/SA