MANILA, Philippines- Hinadlangan ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel ang BRP Cabra sa pagtugon sa distress call mula sa mga mangingisdang Pilipino sa lalawigan ng Zambales, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa isang post sa X nitong Lunes ng gabi na binabantayan ng BRP Cabra ang ilegal na presensya ng CCG nang matanggap nito ang distress call.
Aniya, namatay ang isang mangingisda na ang bangka ay nasa 70 nautical miles ng Silangan Island sa Zambales.
Sa kasawiang palad, nadiskubre ang mangingisda na wala nang pulso at patay na. Upang madala ang bangkay ng mangingisda sa Subic, Zambales ay naglayag ang BRP Cabra sa kabila ng malalaking alon upang ma-retrieve ang bangkay gamit ang crane nito, ayon sa PCG.
Nitong Lunes ng gabi, isa pang barko ng PCG, ang BRP Tersa Magbanua, ang patungo sa lugar upang magpatrolya kung saan naroon ang presensya ng CCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden