Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos atasan ang Department of Migrant Workers (DMW) na bigyan ng komprehensibong suporta ang 17 Filipino seafarers ng M/V Galaxy Leader na kamakailan lamang ay nagbalik na sa Pilipinas matapos na bihagin ng Houthi rebels.
Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang mensahe ni Pangulong Marcos sa seafarers at pamilya ng mga ito sa isang thanksgiving mass sa tanggapan ng ahensya sa Mandaluyong City.
Tinukoy ni Cacdac ang pagpapalaya sa seafarers bilang “Courageous 17” matapos pagtiisan ng mga ito ang 428 araw ng mental at psychological trauma habang bihag ng Houthi.
Matatandaang hinayjack (hijack) ng Houthis ang cargo vessel Galaxy Leader malapit sa Hodeidah noong November 2023 habang papuntang India, binihag ang 25 crew members nito kabilang na ang 17 Pinoy.
Sinabi pa ni Cacdac na natanggap na ng seafarers at kanilang pamilya ang financial assistance, training certificates at gift bags mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nauna rito, tiniyak naman ni Cacdac ang ’employment, livelihood support, educational assistance at medical care’ para sa mga seafarers at kanilang pamilya.
Nangako rin ang Department of Health na mag-aalok ng komprehensibong medical at psychosocial support, habang nangako naman ang OWWA na patuloy na makikipag-ugnayan sa manning agency ng mga seafarer, ang Sea Power Shipping Enterprises Inc., para tulungan ang bawat isang crew members, lalo na sa benepisyong matatanggap ng mga ito mula sa nagmamay-ari ng MV Galaxy Leader.
Samantala, pinsalamatan naman ni Cacdac ang Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang pagsisikap na bilisan ang ligtas na paglaya at pagbabalik ng mga seafarer.
Kinilala rin nito ang suporta na ibibigay ng Department of Transportation (DOTr) sa panahin ng krisis. Kris Jose