Home NATIONWIDE PCG tumulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal

PCG tumulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal

169
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng tulong ang mga mangingisdang Pilipino mula sa humigit-kumulang 50 bangkang pangisda sa paligid ng Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) sa ilalim ng regular na humanitarian mission ng Philippine Coast Guard (PCG)

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, noong Biyernes, nakatanggap ang mga mangingisda ng fuel subsidies, malinis na tubig, yelo, at food packs mula sa aktibidad ng “Kadiwa” na nagsimula noong Miyerkules.

Ang mga mangingisdang ito ay mula sa Zambales, Bataan, Pangasinan, at Mindoro.

Ipinadala ng PCG ang BRP Gabriela Silang (83 metro) at dalawang 44-metrong barko, ang BRP Cape San Agustin at BRP Cabra, para sa operasyon.

Inalalayan din ng Cape San Agustin ang fish carrier na MV Mamalakaya, na pagmamay-ari ng gobyerno at bahagi ng programang “Kadiwa” na layong bilhin ang huli ng mga mangingisda at magbigay ng fuel subsidies.

Samantala, mino-monitor din ng PCG ang presensya ng tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) na may bow numbers 3105, 3106, at 2307, ngunit walang naiulat na agresibong kilos mula sa CCG sa pagkakataong ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here